Isa sa mga matinding naapektuhan ng Typhoon Yolanda ay ang lola at iba pang kaanak ni Daniel Padilla. Sa panayam ng Push.com.ph
kay Karla Estrada, ang ina ni Daniel, ibinahagi niya ang mga detalye
mula sa huli nilang komunikasyon ng kanyang ina hanggang sa nalaman
nitong nakaligtas ang nanay at iba pa nilang kaanak.
Ayon kay Karla, “Thursday ng gabi kausap ko na siya. Sabi ko, ‘Ma, ano handa na ba kayo? Handa ba kayo diyan? At napakalakas ng bagyo na ito.’ Si mama siyempre alam mo naman ang mga waray na ubod kami ng ano, sinalo namin lahat ng katapangan sa mundo. Ang sabi niya, ‘Walang problema marami nang bagyong dumating, relax lang kayo diyan, nakaayos kami at naka-ready kami.’ Actually nagtext siya ng 6:20 AM ng Friday kasagsagan na palakas pa lang yung hangin. Ang text niya sa akin, ‘Day, nilipad na yung bubong ng garahe. Inilipat namin yung sasakyan mo dito sa kabilang garahe.’ Tinawagan ko kasi nag-text, so tinawagan ko wala na, wala nang signal. Tinext
ko baka sakali, ang sabi ko, ‘Ma, wala akong pakialam sa sasakyan na
yan, huwag niyong intindihin yan, initindihin niyo mga sarili niyo.’ And that’s it! Mga two and a half days, agony of waiting kung ano ang balita kasi blackout ang communication.”
Dahil sa kawalan ng komunikasyon at balita, ibinahagi ni Karla na apektado silang mag-iina lalo na si Daniel. “Hindi siya makapahinga, hindi siya maka-function.”
Dagdag
pa niya, kinailangan nilang i-cancel ang isang event ni Daniel sa Davao
dahil, kwento ni Karla, kinausap siya ng anak at sinabing, “’Ma
hindi ko talaga kaya magpasaya habang hindi natin alam ang nangyayari
kina lola.’ Sabi ko, ‘Anak maiintindihan ka naman ng mga fans na naghihintay sa iyo at sige sasabihin ko sa may-ari at gagawin na lang natin next time kapag naging maayos ang lahat.’ Hindi talaga siya naka-function, meron
siyang mga trabaho na hindi niya kayang mapuntahan dahil tuliro kaming
mag-ina. Bumaba nga siya tinanong niya, ‘Ang lola?’ Sabi ko, ‘Huwag mo
akong tanungin.’ Gumaganun na ako kasi nato-torture ka na dahil maya’t maya ang mga anak mo nagtatanong, ‘Mama, ano na sina lola?’ Kasi talagang ano, sabi ko matagpuan ko man silang buhay o patay I still have to be there kaya ako nag-decide nung Sunday na nagbiyahe.
Sarado utak ko hindi ako nakikinig sa mga nagsasabi na huwag na akong
tumuloy delikado. Yung mga anak mo kawawa naman kung anuman ang mangyari
sa iyo. Sarado dahil iniisip ko parang ano ang gagawin ko dito hindi
din ako matahimik, hindi din ako makapaghintay.”
Kaya
naman nagdesisyon din si Karla na tumuloy sa Tacloban ngunit nang
matanggap nito ang balita na buhay ang kanyang ina at mag-anak, sinabi
na rin sa kanya ng kanyang tiyuhin na nagbigay ng balitang huwag nang
tumuloy. Kaya ang kanyang payo sa tulad niyang naghintay ng balita at
hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng balita sa kalagayan ng mga
kamag-anak na nasalanta ng bagyo, “Para dun sa mga kababayan ko na Waraynon na hanggang ngayon na hindi niyo pa din ma-contact yung family niyo, ako nalaman ko na buhay sina mama
pero hindi ko pa nakakausap pero mahalaga sa akin na nalaman kong
buhay. Ang ginawa ko hindi ako tumigil sa pagdarasal na sana ligtas sila
but at the same time na ipinagdasal ko sa Diyos na bigyan ako ng
lakas ng loob harapin kung ano ang madadadtnan ko. Yan ang maipapayo ko
sa inyo pagdarasal at lakas ng loob na tanggapin kung anuman ang balita
na darating sa kanila.”
Para sa kumpletong balita tungkol kina Karla Estrada, Daniel Padilla at ang buong kwento sa Bagyong Yolanda, tumutok lang sa Buzz ng Bayan, 4 PM ng Linggo pagkatapos ng Luv U.
source: PUSH.com
For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE CHIKA PATROL on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Post a Comment