Jodi Sta. Maria, pinatunayang di siya buntis.

Hindi siya buntis!
Yan ang pinatunayan ni Jodi Sta. Maria nang ibalandra niya ang kanyang fit and sexy body sa piyesta ng Navotas last week!

Say ni Jodi, "Kailangan eh. Conscious effort ang pagpapapayat talaga!"
Naloka raw talaga ang aktres sa mga balitang kumalat late last year tungkol sa di umano’y pagdadalangtao niya at kung saan ito nagmula.

Matatandaan na not once, but twice siyang pinagdudahang buntis ng publiko, courtesy ng boyfriend niya na si Jolo Revilla!

"Hindi, siguro na-confuse lang ang mga tao sa nangyayari sa character ko sa soap ko, na-associate nila in real life. But no, I am not pregnant!"

Past is past daw kaya tutok ngayon si Jodi sa magandang  pasok ng kanyang 2014.
Bukod sa mga pagbubuntis na intriga, nachismis din ang mga di pagkakaunawaan niya sa ex-husband na si Pampi, lalo na sa bago nitong partner na si Iwa Moto na panay ang patutsada kay Jodi noong 2013.

Kinuwento ni Jodi na alang-alang sa anak niya na si Thirdy, all is well na sa kanila ng daddy nito.
Masaya rin siya na finally nagkakasundo na sila ni Iwa Moto, maging sa pamamalakad ng oras sa kanyang anak.

"Natutuwa rin ako na maayos na ang lahat ngayon," dagdag pa ni Jodi.
Ang unang bugso ng chika naman sa taon ni Jodi ay ang napapabalitang nasa proseso na rin ang annulment nila ni Pampi.

Paano niya kaya hinaharap ang bagay na ito?
"Of course with positivity! Yun naman talaga importante doon eh. We just have to be positive with everything."

Very supportive naman si Jodi sa nobyo na si Jolo Revilla.
Sa kabila ng mga kontrobersiya na kinakaharap ng pamilya Revilla, hindi raw nawawala si Jodi sa tabi ni Jolo.

"I just make sure that whenever he needs me, nandito lang ako for him."

  For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger