Mga bintana ng SM Lipa nagkabasag-basag sa nagkagulong fans ng “Maria Mercedes” stars.

LIBO-LIBO ang humarap sa mga bida ng “Maria Mercedes” stars na sina Mendiola, Jake Cuenca at Jason Abalos last Sunday, October 20 sa kanilang show sa SM City Lipa pero sandali lamang silang nagpakita sa mga fans dahil ang organizers ay nag-decide na putulin ang programa para sa kaligtasan ng mga fans na nagkakagulo at nagkakasakitan na kung saan maging ang mga bintana ng mall ay nagkabasag-basag pa.

Ayaw din sana ng tatlo na umalis ngunit sa nakita nilang sitwasyon ay di malayong may mangyaring masama dahil ang ilan ay sumisigaw na sakit dahil naiipit, naapakan at ang iba’y hindi makahinga sa sobrang siksikan dahil sa rami ng tao.

“Sorry Batanguenos if I wasn’t able to sing and dance for you guys. I still love you. #MariaMercedes still loves you. Thank you for the support and for coming just to see u,” ayon kay Jessy.

“The crowd was amazing here today but they had to stop the show for everyone’s safety, not just ours but also the crowd. Thanks to everyone who went to SM City Lipa. We will make it up for you. We promise,” sabi naman ni Jake. Maging si Jason ay may pahayag din na inilabas sa kanyang Twitter account.

source: REMATE

For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger