Angelika dela Cruz tangkang saksakin habang nangangampanya!



KRITIKAL ang isang lalaki na nagtangkang saksakin ang artista na tumatakbong chairwoman matapos kuyugin bugbugin at saksakin ng mga kasamahan ng  nasabing kandidata  sa Brgy. Longos, Malabon City, Sabado ng hapon, Oktubre 19.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center si Pedro Becondado, ng 97-C Quirino St., Tondo Manila sanhi ng mga pasa-pasa sa katawan at isang saksak sa tagiliran.

Ayon sa ulat, alas-6:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Maya Maya St. at Martiniko sa nasabing barangay.

Nauna rito kasalukuyang nangangampanya ang grupo ng artistang si Angelika dela Cruz, na tumatakbong chairwoman, nang lapitan ng suspek at tangkang saksakin.

Dito na dinumog ng bugbog, tadyak at saksak ng mga tao si Pedro hanggang sa lumupasay sa kalsada.
Nakarekober ang mga pulis ng isang patalim  sa suspek.

Dahil sa suot na damit ng suspek  na may tatak ng kalabang partido ni dela Cruz, inaalam ngayon ng mga pulis kung may partisipasyon ito sa insidente.

source: REMATE

 For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger