Lovi Poe, isinama na si Rocco Nacino sa bagong biling bahay.


NATUTUWA si Rocco Nacino na nakarating na siya sa bagong bahay ni Lovi Poe sa The Forth.
Sobrang na-inspire si Rocco sa nakita nyang bahay ni Lovi na nakapagpundar agad ng bahay.

Plano na ring bumili ng sariling bahay si Rocco. Hindi pa sa ngayon, kabibili lang niya ng bagong sasakyan.
Sa sipag magtrabaho ni Rocco, di kataka-takang makabili agad ito ng bahay. Bukod sa regular soap niyang Akin Pa Rin ang Bukas, may bagong weekly show siya sa GMA 7 under the Public Affairs, ang Out Of Control, na ipalalabas bago ang Wish Ko Lang. Kasama rin tuwing Sunday si Rocco sa Sunday All Stars.

Matatapos na rin ni Rocco ang pelikulang Pedro Calungsod, isa sa entry sa 2013 Metro Manila Film Festival. Bukod pa rito, dahil sa proper scheduling, nakakaya pa ni Rocco ang personal appea-rance sa probinsiya.

May balita pang gagawa siya ng project na isu-shoot sa ibang bansa. Sabi ni Rocco, very blessed siya ngayong 2013. Dating nang dating ang trabaho pero hindi siya tumatanggi sa anumang project na dumarating sa kanya.

Sa  Akin Pa Rin ang Bukas, nagbabago na si Rocco. Gusto niyang mapaibig talaga si Lovella, ang role ni Lovi.

source: REMATE

For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger