Baron Geisler sinapian habang gumagawa ng serye.

MATAGAL nang tapos ang seryeng kidlat sa TV5 pero hindi pa rin nakalilimutan ni Baron Geisler ang nangyaring hindi maganda sa pagitan niya at ng staff at kapwa artista sa nasabing palabas na binigyan niya ng sakit ng ulo.

“Parang nadala kasi ako ng ginawa naming movie (Sapi). Pagkatapos kasi ng shooting namin saka sumunod nga itong TV series na Kidlat. Pero hanggang sa pagte-taping ay dala-dala at nasa isip ko pa rin ang mga kakaibang encounter namin sa kakaibang experience. Naiintindihan ko ang staff at mga kasama ko sa Kidlat, nabigyan ko sila ng sakit ng ulo,” sabi ni Baron.

At kahit wala siyang sapi, hirap pa rin daw ang magaling na aktor na kalimutan ang pag-inom ng alak. Mahirap daw i-resist bagama’t pinipilit niyang gawin. In fact, dumaan na siya sa detoxification process.”I‘m struggling with alcoholism but I‘m trying my best,” ayon pa kay Baron.

Puwede namang lumaklak huwag lang sobra, at sabi nga, ilagay sa tiyan ang nainom at hindi sa ulo. At least, pagtoma lang ang problema ngayon ng sinasapiang aktor, hindi ang pagtsongki ng bawal na gamot.

source: REMATE
 
For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger