Napalitan ang ordinaryong tsikahan ng nakakabinging hiyawan sa Chater Garden nang biglang dinalaw ng Kapamilya Heartthrob na si Piolo Pascual ang mga kababayan natin sa Hong Kong kamakailan. Sadya ni Piolo ang mga overseas Filipinos (OFs), lalo na ang napakaswerte at nakakabilib na si Gemma Adan Solomon, isang cancer survivor.
Dalawang dekada na ang nakaraan noong unang na-diagnose ng cancer si Gemma na pabalik-balik sa ospital noon dahil sa nakamamatay na sakit. Ngayon, 25 years na ang nagdaan, ibang-iba na ang kanyang sigla bilang isang OF matapos ang kalbaryo, ngunit patuloy ang ‘biyahe’ sa Hong Kong dahil sa distansya ng kanyang pamilya.
“Pag ganoon na nalulungkot ako, iniisip ko na lang ba na at least kumikita ako, naibibigay ko yung pangangailangan nila. Alam ko hindi ako makakauwi ngayong Pasko. Malayo man ako dito, palagi kayong (pamilya) nasa isip at puso ko,” patukoy ni Gemma sa kanyang pamilya sa Bicol sa Luzon.
Dahil sa inspirasyong kanyang ibinahagi, binigyan siya ng maagang pamasko ng Kapamilya heartthrob. Ayon kay Piolo, “Sobra akong nabibilib sa mga taong umaalis ng bansa para lang makapagtrabaho, para lang mabigyan nila ng suporta ang naiwan nilang pamilya especially mga bata.” Taos-puso ang binitawang salita ni Piolo dahil minsan na rin siyang naging OF sa Amerika.
Ibinahagi ni Piolo kay Gemma at sa kaibigan nito ang regalong “TFC Load-n- Watch,” ang pinakabagong paraan para ma-enjoy ang mga Kapamilya shows sa pamamagitan ng Cloudfone Excite 402d. Ang Cloudfone ang distributor ng TFC shows sa Hong Kong.
Tugon ni Gemma sa sorpresa: “Ang saya ko. Hindi ko alam. Makilala ka pa? Karangalan ko ito.”
Sa dalang “TFC Load-n- Watch” ni Piolo, napanuod ni Gemma ang asawang si Edgar na nagbigay ng mensahe para sa asawang di man makakauwi sa pasko ay may panghahawakang makabagong paraan para makumusta ang mga ito.
Ayon kay Edgar, “Nasa kanya na ang lahat ng kabaitan at pagiging maalalalahanin. Kahit anong pagsubok sa amin sa Hong Kong, pinaglabanan namin. Mag-ingat ka lagi. Alam mo nasa mabuti kaming kalagayan.” “Mahal na mahal ka namin,” dagadag ng anak na si Rommel Gabriel.
Sa “TFC Load-n- Watch,” tuluy-tuloy ang pangungumusta ni Gemma at ng kanyang pamilya dahil sa dual sim capability ng Cloudfone Excite 402d device na kasama ng TFC Load-n- Watch package sa halagang HK$1,000 lamang. May dual camera pa ito kung saan maipapakita ni Gemma ang kalagayan sa Hong Kong gamit nito. Sa pamamagitan ng pag-avail ng telecommunications at internet access sa isang service provider sa Hong Kong, napanuod naman ni Solomon ang video na padala ng pamilya mula sa Bicol.
Sa pamamagitan ng internet access, mae-enjoy din ang paboritong apps tulad ng Skype, Viber, Twitter and Facebook, pati na rin mga online games.
Biyayang dala rin ng “TFC Load –n-Watch” para kay Gemma at sa kanyang mga kaibigan ang kanilang mga paboritong teleserye, kahit walang internet, sa sarili nilang oras. May dalawang content packages na mapapanuod sa pamamagitan ng “TFC Load-n-Watch:” ang Dramadness kung saan mapapanuod ang mga teleseryeng kasalukuyang umeere sa iba’t-ibang platforms ng TFC sa iba’t-ibang bansa. Ilan sa mga ito ay ang “Be Careful With My Heart” at “Galema.” Mapapanuod din dito ang classic na teleserye na napamahal na sa mga manunuod tulad ng “Ina, Kapatid, Anak” at “Apoy sa Dagat” na pinangungunahan noon ni Piolo. Mae-enjoy ang total of 25 na episodes, anytime, anywhere sa halagang HK$20 lamang.
Tunay na maagang pamasko ang dala ni Piolo para kay Gemma at kanyang kababayan sa “TFC Load-n-Watch.”
For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE CHIKA PATROL on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Post a Comment