Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, todo ang paghahanda para sa kanyang 4-in-1 May celebration.

Hindi lang isa kung hindi apat ang ise-celebrate ni Julie Anne San Jose ngayong darating na Mayo. Kaya naman, todo ang paghahanda ng Asia’s Pop Sweetheart sa kanyang "In Control" concert.

Ngayong Mayo ay ipagdiriwang ni Julie ang kanyang 10th anniversary sa showbiz. Gaganapin din ang kanyang concert tatlong araw bago ang kanyang 22nd birthday. Sa Mayo rin ay nakatakda nang grumadate si Julie sa kursong Mass Communication kung saan siya ay running for honors.


“Marami pa pong pasabog na magaganap. Pasabog talaga siya. Well, may mga production numbers po ako with different people na naging part ng 10 years ko sa showbiz,” pahayag ni Julie sa panayam ng 24 Oras.

“I’m working on my thesis right now, so lahat ng pressure [ramdam ko]. And maraming mga requirements na kailangang ipasa,” paliwanag din niya.

Maliban sa kanyang anniversary, birthday, at graduation, sa Mayo rin ilalabas ang kanyang bagong album under GMA Records.

 

Sa sobrang abala, dedma na raw si Julie sa kanyang mga bashers. Tumanggi rin siyang pag-usapan ang kanyang love life.

“I always try na maging reserved palagi kasi syempre may private life pa rin naman ang bawat artista, so I think that people should you know, respect na lang,” aniya.


For more CHIKA PATROL updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger