Kapamilya Sexy Actress Jessy Mendiola Joins Latin Stars' Campaign Against Bullying.

Mukhang in touch pa rin sina Jessy Mendiola at ang Mexican superstar na si Thalia.

Nag-post kasi sa Instagram account niya si Thalia ng photo ni Jessy habang hawak ang isang pirasong papel na may nakalagay na "El Bullying No Es Un Juego."

Si Jessy ang gumanap na bida sa Filipino version ng Maria Mercedes na pinagbidahan ni Thalia nung 1992 at ipinalabas naman sa Pilipinas nung 1996.

Personal pang binigyan ng blessing ni Thalia si Jessy sa pamamagitan ng isang video message sa trade launch nung nakaraang taon para sa mga bagong shows ng ABS-CBN, kabilang na nga ang Pinoy version nga ng Maria Mercedes.

Nagpasalamat si Thalia kay Jessy sa kanyang caption sa litrato: "Gracias @wonder_jessy @jessymendiola for your support!👏👍🙏 #notobullying Filipinas apoyando #ilovephilippines #mabuhay 💖#elbullyingnoesunjuego #cerotolerancia #basta"
 
Bago si Jessy, nauna nang nai-post ni Thalia ang photos ng hosts ng Umagang Kay Ganda na sina Anthony Taberna, Amy Perez, Ariel Ureta, at Jorge Carino hawak ang anti-bullying slogan.

 Ang "El Bullying No Es Un Juego" o "Bullying Is Not A Game" sa Inggles ay bahagi ng malawakang kampanya ng Mexican celebrities laban sa bullying sa mga eskuwelahan sa kanilang bansa.

Sinimulan ito ng citizen's group na Basta MX matapos na mabalita ang pagkamatay ng isang 12-year-old na estudyante nang ihampas siya sa pader ng mga nambu-bully sa kanyang mga kaklase niya.

Kabilang si Thalia sa Mexican celebrities na nangangampanya laban sa bullying at nanghihikayat ng kanyang mga kaibigan at fans na mag-post ng mga picture nila sa Instagram na hawak nga ang slogan na "El Bullying No Es Un Juego."

For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger