Robin Padilla dismayado sa fantaserye ni Kylie Padilla.

INABANGAN pala ni Robin Padilla ang episode last Wednesday ng Adarna, first primetime fantaserye na pinagbibidahan ng kanyang anak na si Kylie Padilla pero nadismaya at nalungkot daw siya.

“Nadismaya naman ako. Inaabangan ko pa naman ang paglabas ko pero wala naman. Pero thankful ako sa GMA 7, dahil matagal nang inaasam ng anak ko na magkaroon ng isang project na tulad ng Adarna.

“Seven years old pa lang si Kylie gusto niya lumabas na isang taong ibon at ito nga ay natupad sa Adarna,” say pa ni Robin.

Pumayag kasi si Robin na magkaroon ng cameo role sa Adarna bilang ama ni Kylie. Nag-taping na siya pero hindi nga nagawang ilabas sa episode last Wednesday at ilalabas naman daw sa susunod na araw.

Hindi nakasama ni Robin si Mariel Rodriquez nang tanggapin nito ang kanyang trophy sa Gintong Palad Awards dahil nakatakda magpunta ng Cebu ang kanyang misis that day.

Ayon kay Binoe, kasama niya si Mariel nang araw na ‘yun pero naka-schedule ng 11pm ang flight nito papuntang Cebu kaya hinatid niya ito sa airport bago nagpunta ng awards night.

“Sa Bisaya siya (Mariel) pupunta at ako naman sa Mindanao para maiparating naming mag-asawa ang tulong,” say pa ni Robin.

Samantala, kinumpirma ng manager ni Robin na si Bethay na mananatiling Kapamilya ang sikat na action star. Hindi raw ito aalis sa ABS-CBN.

 For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com     
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger