Cristine Reyes at Derek Ramsay palabas lang ang break-up!

HINDI raw nag-break sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Gimik lang ang lahat. Sa latest guesting ni Cristine sa show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” ay binuko umano ng host/comedian ang aktres na hindi pa tapos ang relasyon sa balboning aktor. “So, kayo pa rin? Hindi totoo na nag-break-up? Magkasama pa rin kayo, ayaw lang i-publicize and relasyon,” tanong ni Vice sa sis ni Ara Mina na sinagot naman nitong, “Palabas lang lahat ‘yung break-up… Joke!”

Tinanong din daw ng magaling na komedyante ang Kapamilya star kung bakit nagustuhan nito si Derek gayong ang gusto nito ay mga lalaking chinito at mapuputi na sinagot naman daw ulit ng dalaga na, “’Yun talaga ‘yung love kasi ‘di ko siya type pero minahal ko siya. That was love.” At until now ay almost everyday pa ring nagtatawagan ang dalawa at kunwaring bestfriends ang tawagan nila sa isa’t isa.

Marami tuloy kaming naririnig na tanong kung bakit kailangan pang gawin ng dalawa ang ganitong gimik gayong pareho naman silang malaya. Totoo raw ba na kaya nila ginawa ang dramang ito ay dahil ayaw raw ng isang milyonaryong personalidad na magkaroon ng relasyon sa iba si Ramsay? Bakit at sino ito?

  For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com     
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger