Marian Rivera “Parang nawawala, napuputol ang rivalry ng dalawa.”

Ilang araw na ring pabalik-balik ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa bakuran ng Kapamilya network upang i-promote ang kanilang pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Kung Fu Divas.
Kagabi, September 20, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng press conference si Marian sa Dolphy Theater, ang kilalang auditorium sa ABS-CBN na ipinangalan sa yumaong No. 1 Comedian ng bansa.
Ito ay para pa rin sa grand presscon ng Kung Fu Divas, kasama ang cast at direktor ng pelikula na si Onat Diaz.

Ano ang pakiramdam ng isang prized GMA star na ilang beses nang pabalik-balik sa ABS-CBN compound?

Sabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Hindi... kasi hindi mo rin naman mararamdaman na may discrimination sila bilang taga-kabila ako.

“Yun din ang sinasabi ko, na thankful ako na maranasan na ganito pala sila. Ang saya lang na naka-experience ako ng ganito sa kanila.”

OBER DA BAKOD.” Ilan sa mga programang nilabasan at lalabasan ni Marian sa ABS-CBN para i-promote ang Kung Fu Divas ay ang Kris TV, Showbiz Inside Report, Bandila, at The Buzz.
Mayroon bang limitasyon sa mga programa ng ABS-CBN na puwede niyang labasan?

Sagot ni Marian, “Siyempre, bilang respeto rin sa GMA, huwag namang lahat.
"Kumbaga, doon sa maaari lang ako mag-guest. Example, kay Ate Kris [Aquino], bilang okay ako kay Ate Kris.

“So, thankful ako, kasi ang dami—Kris TV, The Buzz, S.I.R., at may Bandila pa ako.
"Yun pa lang, okay na ako. Ang dami!”

Nilinaw rin ni Marian na hindi niya tinanggihan ang pag-guest sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Aniya, “Hindi ko siya tinanggihan. Hindi naman sa tinanggihan, pero ang dami na...

 source: PEP.ph

For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com 
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger