Inaresto ng mga awtoridad ang dating mister ni Aiko Melendez na si si Martin Jickain at kasama nito, dahil sa panunutok umano ng baril sa isang pulis sa Pasay City, nitong Biyernes ng madaling-araw.
Sa ulat ni Luisito Santos sa dzBB radio, sinabing naganap ang insidenteng kinasangkutan ni Martin dakong 12:30 a.m. sa panulukan ng Roxas Boulevard at Santa Monica Service Road.
Nasangkot daw sa mainit na pakikipagtalo si Martin at kasama nito sa isa pang grupo na malapit sa isang restaurant.
Nakuha ng mga awtoridad kay Martin ang isang baril at dalawa magazine na may mga bala.
Sa Twitter post ni Santos, ipinakita na may lisensiya si Martin para sa naturang baril.
Sa hiwalay na ulat ng GMA News' Unang Balita, sinabing mahaharap si Martin at ang kasama nito sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, direct assault, at resisting arrest.
Napag-alaman na isang taxi-driver na nakaparada sa likuran ng kanilang sasakyan ang unang nakasagutan nina Martin.
Nakasagutan din umano nina Martin ang pulis na rumesponde, at tinutukan daw nito ng baril ang isa sa mga pulis.
Tumanggi naman muna si Martin na magbigay ng pahayag, at kakausapin daw muna niya ang kaniyang abogado. Kasalukuyang nakadetine si Martin sa Pasay police headquarters.

Post a Comment