Sa larawan na post ni Renzo Salang sa TV Patrol Northern Mindanao Facebook page, tila nahagip ng kanilang camera ang larawang ng isang white lady.
Madaling araw na nang mag-group selfie o "groufie" ang kanyang bayaw kasama ang kanyang mga kapatid matapos magdiwang ng kaarawan ng kanilang kaanak.
Ang tila ordinaryong "groufie" ngayon nababalot ng kababalaghan nang may larawan ng isang white lady na nakunan sa labas ng kanilang bintana.
Tinanong namin ang mga babae dito pero walang makasabi na may kahalintulad sa larawan, ayon kay Renzo Salang, na nag-post ng larawan sa TV Patrol Northern Mindanao Facebook page.
Ayon kay Bishop Rey Timbang ng Iglesia Filipina Independiente, posible na magpapakita ang hindi pa natatahimik na mga kaluluwa.
Ngayong undas, ito ang itinakdang araw ng simbahan upang gunitain at mag-alay ng panalangin para sa mga kaluluwa.
For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE CHIKA PATROL on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Post a Comment