Sa
pagbabalik ni James Reid sa ABS-CBN, hindi na naiwasan pang matanong ang dating
ka-love team ni James na si Devon Seron sa kung ano ang pakiramdam niya na
nagbabalik ang dati niyang kasama sa Pinoy
Big Brother House Teen Clash Edition.
“Siyempre happy ako kasi ‘di ba parang magkakakitaan na kami. Kasi sobrang matagal na kami hindi nagkikita kasi busy kami sa kanya-kanyang work and reunion na din namin yun.”
“Siyempre happy ako kasi ‘di ba parang magkakakitaan na kami. Kasi sobrang matagal na kami hindi nagkikita kasi busy kami sa kanya-kanyang work and reunion na din namin yun.”
Ngunit
hanggang sa ngayon hindi pa rin nagkikita ang dalawa simula nang pumirma ng
kontrata si James sa ABS-CBN. “Yung last pa namin ay yung opening ng last na
PBB sa ASAP.”
Inilarawan
din ni Devon na ibang-iba na ang dating kapareha kumpara noong sila pa ang
magkasama. “Hunk na hunk. Siyempre happy ako sa kanya kasi yung health niya ‘di
ba? Kasi masyado siyang masakitin noon ang ngayon sobrang maalagain na siya sa
sarili niya and marami siyang na-achieve this year.”
Noon
ay ang tambalang James-Devon o JaEvon ang isa sa sinusundan ng lahat, lalo pa
nang makalabas na sila ng Pinoy Big
Brother House. Ngayong naipareha na si James kay Nadine Lustre, natanong na
din si Devon sa pakiramdam niya tungkol dito. “Well they complement each other
talaga, morena at kano. May chemistry naman talaga, nakikita ko sila onscreen.
I am so happy for them.”
Kaya
naman ng matanong ng isang reporter na dati din naman ay ganun din sila, ang
kanyang naging sagot, “Oo nga eh, sayang talaga pero ganun talaga eh, but we’ll
never know.”
Marami
ang nais din makaalam kung nanghihinayang ba si Devon sa kinauwian ng kanilang
tambalan. “Ay hindi naman po. Siguro kasi ano, for me, iniisip ko na everything
happens for a reason. Lalo na ngayon sikat na siya and may mga kanya-kanya na
kaming careers so I am very happy, wala namang regrets.”
Nang
mapunta naman sa kanilang nakaraan, itinatanggi pa rin ni Devon na may
namagitan sa kanila ni James. “Ay hindi po, hindi po naging kami.” Pero sa
tanong na kung nanligaw ba sa kanya, “Hindi ko po alam kung nanligaw siya sa
akin. Siguro umamin naman kami na we liked each other before, noon pa, noong
bago pa lang yung PBB and ngayon masyado kaming focused sa work na and may
kanya-kanya na kaming ginagawa.”
For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE CHIKA PATROL on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Post a Comment