Janno Gibbs Recalls "Aborted" Network Transfer Ten Years Ago.

“ABORTED” NETWORK TRANSFER. Si Janno ay hindi natsitsismis na lilipat. “Hindi naman nila ako kinukuha,” at natawa si Janno. “Hindi hindi, nagkaroon ng time before, matagal na ito, ako yung lumapit sa kanila, sa 2. Matagal na ito.”

Medyo nagtampo raw siya that time sa GMA. Kuwento niya, “Nagtampo ako, lumapit ako sa 2, nakipag-meeting na ako, parang okay na. “Kausap ko yung mga medyo boss doon. Tapos hindi ako pinaalis sa 7, parang, kinausap ako ng masinsinan, na ‘Janno, ganito-ganito-ganyan.’

“So hindi ako natuloy. Feeling ko nainis sa akin ang Dos. “Siyempre, ‘Nag-ready na kami, e! Nag-usap na tayo, e! May mga plano na tayo, e!’ “Hindi ko naman sila mabe-blame. “Matagal na yun, may mga ten years na yun.” “Wala pa naman akong scene.

Late na ako pag tumatawag na sila, ‘Nasaan na po kayo?’ “Wala pa namang tawag, wala pa,” ang umpisang natatawang pahayag ni Janno Gibbs nang biruin namin sa set ng My BFF kung late ba siya noong araw na yun. Dati kasi ay nagkaroon si Janno ng “issue” tungkol sa pagiging late niya para sa kanyang mga showbiz appointments.

Bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa My BFF taping sa Marcos Highway noong Biyernes, July 18. Napadako naman ang usapan tungkol sa isang eksena sa My BFF na dapat ay may kissing scene sina Janno at Manilyn Reynes. Pero dahil kahit noon pa mang teen star siya ay may “no kissing scene” policy si Manilyn ay hindi ito natuloy. Sabi ni Janno, “Naintindihan ko naman.

Pero tinanong ko siya, nabasa ko yung script e, may passionate pa, e. Sabi ko, ‘Mann, nabasa mo na ba yung script? Meron tayong passionate ano.’ “Sabi niya, ‘Huwag ka namang ma-o-offend, hindi naman personal, pero alam mo naman never akong nagpa-kiss onscreen.’ “Sabi ko, ‘Oo, naiintindihan ko naman.’ “Iyon.” Hindi raw niya pinilit si Manilyn. “Huwag na,” at tumawa si Janno. “Okay din naman sa akin.” STOLEN KISS.

Noong araw, ayon sa kuwento ni Manilyn sa hiwalay na panayam, ay ninakawan siya ng halik ni Janno sa isang shooting nila. “Oo! Ninakawan ko siya ng halik. TV show iyon. Hindi ko na maalala, parang mga Young Love, Sweet Love, mga ganun, or Regal Presents Manilyn, mga ganun.”

Bakit niya ninakawan ng halik si Manilyn? “Natuwa lang ako. Kasi nga hindi siya pumapayag, nung mga time na yun medyo matagal na kaming loveteam, hindi siya pumapayag, kinasabwat ko yata yung direktor. Parang, ‘Direk ha, ki-kiss ko ito!’ “Sabi nung direktor, ‘Sige!’”


For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and  ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger