Ariella Arida tapped as Online Backstage host of Miss Universe Pageant in Florida, USA.

Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida is the third titleholder from the Philippines chosen to be the online backstage host of the Miss Universe beauty pageant.

“Exciting. Feeling ko magko-compete ulit ako.”

Ito ang nasambit ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida sa pagkakapili sa kanya upang maging online backstage host ng Miss Universe 2014.


Gaganapin ang prestigious beauty pageant sa January 25 (January 26 ng umaga sa Pilipinas), sa FIU Arena, Florida International University, Miami, Florida.

Eighty-eight candidates mula sa iba't ibang panig ng mundo ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe.

“Sana talagang this is the start of something big,” dugtong pa ni Ariella sa panayam sa kanya sa TV Patrol noong Lunes, January 5.

Ito ang ikatlong pagkakataon at ikatlong taon na isang dating Filipina candidate sa prestihiyosong pageant ang naitalaga para sa nasabing responsibilidad.

Nauna rito si Shamcey Supsup noong 2012. Si Shamcey rin ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2011 at naging 3rd runner-up.

Sumunod sa kanya si Janine Tugonon, 2012 Miss Universe 1st runner-up, na naging online backstage host noong 2013.

Ayon pa kay Ariella, pagkakataon din ito para matulungan ang kinatawan ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe na si Mary Jean Lastimosa sa sasalihang pageant.

“Puwede kong makausap si MJ [Mary Jean] nang personal. "Puwede ko siyang ma-chika kung ano pang puwedeng magawa niya. "Kasi yun lang naman ang kailangan mo, yung mabu-boost ang confidence mo."

Sa January 18 lilipad si Ariella patungong Miami, Florida


For more CHIKA Patrol Updates FOLLOW or LIKE CHIKA PATROL on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com



Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger