Batang nagsimula sa showbiz si Louise delos Reyes kaya’t lumaki siya sa mundo ng mga fans at bashers.
Sa dinami-daming nasasabi ng ibang tao, natuto na siyang piliin kung ano ang pakikinggan, lalo na pagdating sa mga bashers o haters.
“'Yung pag-criticize sa 'yo ng mga tao, labas sa kabilang tainga,” sabi niya nang bisitahin siya ng Basta Every Day Happy sa kanyang bagong tahanan.
Para sa Kapuso actress, hindi dahil public personality ka ay public property ka na rin.
“Kapag artista ka, sinasabi nila na public property ka, na ang ibig sabihin din nun ay hindi ka nila personally kilala pero dyina-judge ka nila. So para sa akin, hindi dapat 'yun 'yung basehan mo ng buhay mo,” idineklara niya.
Kahit maraming sinasabi ang ibang tao, kailangan ay manatili siyang matatag dahil siya naman ang higit na nakakakilala sa kanyang sarili.
“Meron din akong [nabasa] na ang tao, hindi siya nagiging mirror kung ano ka, kung hindi kung ano 'yung nagiging tingin nila sa 'yo. Pero [dapat], alam mo sa sarili mo kung ano 'yung totoo, kung sino ka talaga,” dagdag ni Louise.
Dahil siya’y nasa industriya kung saan may nanonood sa bawat galaw niya, natutunan ni Louise na unahin ang mga tao at bagay na higit na importante at makapagpapasaya sa kanya.
“Sa dinami-dami ng ibinato nila sa aking issues, natutunan ko rin na hindi masyadong dibdibin, kasi kahit anong gawin mo, mabuti man o masama, i-ju-judge ka pa rin ng mga tao so [just] live your life [in a way na] makakapagpasaya sa 'yo,” aniya.

Post a Comment