Kapuso Actress Kylie Padilla admires Paolo Ballesteros's Makeup Transformations.

Natutuwa at labis na humahanga ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa ginagawang makeup transformations ni Paolo Ballesteros.

Si Kylie ay kina-career din ang pagiging isang make-up artist pero, ayon na rin sa kanya, hindi niya alam kung kaya niyang pantayan ang ginagawa ng Eat Bulaga! co-host.

Kalat na kalat na sa social media ang mahigit dalawampung mukha ni Paolo, kung saan ginaya niya ang international celebrities gaya nina Angelina Jolie, Anne Hathaway, Mariah Carey, Katy Perry, Rihanna, at Nicki Minaj.

Ang pinakahuli ay si Ellen DeGeneres, kung saan pangarap ni Paolo na mapansin siya at mai-guest sa show nito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie ay ipinaabot niya ang kanyang paghanga kay Paolo.

“Sobrang galing niya at ang gaganda niya!

"Para sa akin, mahirap yung ginawa niya kasi dapat talaga ay magaling ang kamay mo.

"Kung kaya ko? Tingnan natin, kung may time at 'pag na-practice ko.

“Sa ngayon kasi, yung mukha ko pa lang ang nami-makeup-an ko, e.

"Noong naka-Marilyn Monroe nga siya, nakita ko na siya in person. Kasi, nag-Eat Bulaga! ako noon.

"E, I love Marilyn Monroe... tuwang-tuwa ako kasi kamukhang-kamukha niya."

Kung siya ang gagawa ng make-up transformation kay Paolo, sino ang gagayahin niya?

Ani Kylie, "Nag-Angeline Jolie na siya, e.

"Lahat na ng gusto ko ay nagawa na niya, e. So, parang wala na, e."
 
Kung ang gagawin niyang makeup ay superhero, ano ang gagayahin niya para kay Paolo o maging sa sarili niya?

Natatawang sabi ni Kylie, “Batman! Kasi, mask lang yun at itim sa mata.

"Ayaw ko si Superman kasi yung broken chin niya, 'di ba?"


For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger