Bea Binene, masaya sa pagtanggap ng viewers sa ‘Strawberry Lane’

Third week na ngayon ng Strawberry Lane na pinagbibidahan ng Kapuso teen stars na sina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joyce Ching at Joanna Marie Tan. Ayon kay Bea, malaki ang pasasalamat niya dahil maganda raw ang pagtanggap ng viewers sa Telebabad soap.

Kamakailan ay pumirma na ng exclusive contract sa Kapuso network si Bea. Aniya, thankful siya dahil pinagkatiwalaan siya ng GMA sa loob ng isang dekada. Sa ginanap na contract signing, kitang-kita ang ngiti sa mukha ni Bea.

Masaya raw kasi siya sa successful launch ng Strawberry Lane. “Siyempre nagpapasalamat ako. Thank you po sa lahat ng mga sumuporta, maganda 'yung naging pagtanggap nila [viewers],” anang teen star. Dagdag pa niya, “In behalf of the whole cast, we are hoping na sana hanggang ending [ay] nariyan pa rin kayo at nakasubaybay kayo.”

Kuwento ni Bea, mas ginanahan daw ang buong cast ng Telebabad soap dahil sa magandang feedback ng mga manonood. Ang tanging hiling lang niya ay sana raw ay patuloy silang suportahan ng kanilang viewers. “Sana [ay] patuloy ninyo pa rin kaming suportahan dahil we're doing our best for the show for you.

Lalo naming pinapaganda 'yung proyektong ito para sa inyo dahil alam naming nanonood kayo,” pahayag ni Bea. Two weeks pa lang ipinapalabas ang Strawberry Lane pero marami na raw ang sumusubaybay dito. Inaasahan pa raw ni Bea na lalo pang magiging marami ang manonood nito sa mga susunod na linggo dahil sa paganda nang paganda nitong istorya.

Ibinahagi sa amin ni Bea ang mga dapat pang abangan ng tao sa show.

“Marami pang iyakan. Magkikita na kami ni Jake [Vargas]. Malalaman na rin nila 'yung back story ng ibang characters, nina Lupe at Jack. Malalaman na rin nila kung paano sila napunta sa Bahay Bagong Pangarap. So marami pang dapat abangan. Marami pang kaabang-abang na eksena,” saad ng Strawberry Lane star.


For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger