Prince Stefan surprised by rumor linking him to Ian Batherson.

Bilang magka-batch sila sa StarStruck, tinanong ng PEP si Prince kung ano kanyang reaksiyon sa kagustuhan ni Aljur na kumawala na mula sa kontrata nito sa GMA.

Ayon kay Prince, “May nagsabi lang po sa akin tungkol sa issue ni Aljur with GMA-7.

“Wala naman akong maku-comment kasi hindi ko alam ang tunay na nangyari, 'tsaka hindi naman kami nagkakausap ni Aljur.

“All I can say siguro is that I wish him well. Sana maging okey ang lahat para sa kanya.”


Sa kaso naman ni Prince, hindi pa rin matapus-tapos ang pagkukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Kailan nga lang ay na-link siya sa actor-model at produkto rin ng StarStruck (Batch V) na si Ian Batherson.

Sa isang gay website nga ay may loveteam pa sila na kung tawagin ay “Stefian.”

“Kami raw po ni Ian?” natatawang reaksiyon ni Prince.

“Wala po iyon. Kasi nagkasama po kami ni Ian sa isang event.

"E, magkakilala naman po kami because of StarStruck.

“Nakakatawa naman ‘yan, may naisip pa silang Stefian.

"I’m sure na matatawa rin si Ian sa balitang ito." Diin niya,

“There’s nothing between me and Ian.

"'Tsaka ang alam ko, he has a girlfriend, kaya imposible ang iniisip nila sa amin."

Pinabulaanan din muli ni Prince ang balitang may pinakasalan siyang kapwa-lalaki sa U.S. na nagngangalang “Cedric.”

“Matagal na rin ang issue na ‘yan and hindi pa rin natatapos.

“Nasabi ko na po before that Cedric is a close friend of my relatives in the U.S.

“Noong mag-vacation ako sa U.S. before, I met him through my relatives.

Siya yung parang naging tour guide ko sa vacation ko with my relatives there.

“Parang kamag-anak na namin siya. Nabigyan lang ng malisya ng ibang tao iyon.

“Nakakahiya nga po kay Cedric kasi pati siya nadamay sa hindi magandang tsismis.”


For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger