Magpakailanman Presents "Pabrika ng Bata"

May katotohanan ba ang kasabihang “the more, the merrier?” Paano kung ang tinutukoy na ‘more’ ay ang mga anak mo? O mga kapatid mo? Ngayong Sabado, alamin ang kuwento nina Agnes at Julian—ang mag-asawang kinikilalang pabrika ng bata dahil sa kanilang 15 na mga anak!

Simula’t-sapul, hindi na gusto ng mga magulang ni Agnes si Julian para sa kanilang anak. Pero dahil hindi gusto ni Agnes ang lalaking gustong ipakasal sa kaniya, mas pinili niyang makipagtanan kasama ni Julian. Mahirap ang buhay, pero dahil nagmamahalan sila ay tinanggap ito ni Agnes.

Ang hindi niya alam ay simula pa lang tio ng kanilang kalbaryo sa buhay. Na pinalala pa ng kaniyang taunang pagbubuntis! Dahil maayos ang pagsasama nina Agnes at Julian, hindi sila nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasama kahit na balde-baldeng problema ang kailangan nilang harapin.

Magkasama naman sila. ‘Yun nga lang, sa kanilang patuloy na pag-aanak, ang mga anak nila ang naging problemado. Paano nga ba haharapin ng mga musmos ang problemang, mga magulang dapat nila ang umiintindi?

Paano nila haharapin ang mga pangungutya ng mga taong hindi maintindihan ang laki ng kanilang pamilya? Paano nila masosolusyunan ang kanilang mga problema na sumasabay sa paglaki ng kanilang pamilya?

‘Yan ang kuwentong ating tutuklasin ngayong Sabado, May 31, sa episode na pinamagatang “Pabrika ng Bata.” Itinatampok sina Michelle Madrigal, Rodjun Cruz, Diva Montelabam, Denice Barbacena, Allen King, Vincent Magbanua, JM Reyes, Denzel Santiago, Nomer Limatog, Rainier Castillo, at sa natatanging pagganap nina Jean Garcia at Christopher de Leon. Sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph, mula sa panulat ni Agnes Uligan, at pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs Saturday nights, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.

c/o GMA

 For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger