Kim Rodriguez at Kristoffer Martin, inaming may limitations sa 'Paraiso Ko'y Ikaw'

Dalawang episode pa lamang ang ipinapalabas ng Paraiso Ko’y Ikaw, pero sunod-sunod na ang magagandang feedback na natatanggap nito. Nararamdaman na ang pananabik ng mga manonood sa paglabas ng karakter nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Bagamat aminado sina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez na magaan ang kanilang mga eksena sa Paraiso Ko’y Ikaw dahil nagkatrabaho na sila sa Kakambal ni Eliana, hindi pa rin maalis sa kanilang dalawa ang nararamdaman nilang pressure.


Kuwento nila, ito ay nagsisilbing motivation sa kanilang pagganap. “Siyempre pag nape-pressure ka, mas lalo naming ginagalingan,” pahayag ni Kim. Dahil ni-require silang magpaganda ng katawan, hanggang saan nga ba ang kaya nilang ipakita sa mga manonood?

“May limitations pa din. Siyempre, 'di pa naman kami totally full grown adults 'di ba? So siyempre may limitations pa din. 19 siya [si Kim], 19 din ako. Siguro magfo-focus lang kami sa story itself,” pahayag ni Kristoffer. Dagdag ni Kim, “Siguro po magpapakita ng skin, pero konti lang.

Hindi 'yung daring na.” Abangan sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin sa kanilang pagganap bilang Josephine at Tupe sa Paraiso Ko’y Ikaw. -Text by Maine Aquino

 For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger