Ai-Ai delas Alas, minalas kay Marian Rivera.

“SEMPLANG QUEEN” ang taguri ngayon kay Marian Rivera dahil nga sa pagbagsak sa takilya ng pelikulang pinagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas, ang Kung Fu Divas. Ito nga raw ang maituturing na pinaka-flop na pelikulang ginawa ni Ai-Ai delas Alas na sinasabing nahila pababa ni Marian pagdating sa box-office appeal.

Hindi man nga raw aminin ni Comedy Concert Queen Ai-Ai ang kanyang pagka dismaya sa naging resulta ng kanilang pelikula ni Marian, pihadong nagsisisi raw ito sa kanyang desisyon na makatrabaho ang itinuturing na Reyna ng GMA-7.

Kung titingnan nga raw sa naging resulta sa takilya ng mga pelikula ni Ai-Ai, halos lahat ng mga ito ay certified box-office hits at kung minsan ay sumisira pa ng record sa laki ng kinikita.

First time nga raw na gumawa si Ai-Ai ng pelikulang talaga namang nilangaw sa takilya. Kaya naman kahi’t anong sabi nitong okey lang sa kanya ang naging resulta sa box-office ng movie nila ni Marian, alam naman daw ng marami na sa puso nito ay nalulungkot siya sa kinasapitan ng kanilang pelikula.

source: Pinoy Parazzi

For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com   
Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger