Shaira Mae Dela Cruz denies she's a bad influence on Edgar Allan Guzman.

Pagkatapos ng ilang buwang pananahimik, kinumpirma ng Artista Academy alumna na si Shaira Mae Dela Cruz, 18, na pitong buwan na silang magkarelasyon ni Edgar Allan Guzman, 24.

“Oo, ngayon lang kami umamin na kami na,” nakangiting pag-amin ni Shaira sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Setyembre 20.

Naganap ang interbyu sa barangay captains' conference na inisponsor ng Madam Chairman, ang upcoming teleserye ng TV5 na pinangungunahan ni Sharon Cuneta.

Kung dati ay itinatanggi pa ni Edgar ang tungkol sa ugnayan nila, ngayon ay proud boyfriend ang asta ng aktor, base sa mga pino-post niyang larawan at cheesy quotes para kay Shaira sa Instagram.
Paliwanag ni Shaira, “Humahanap lang kami ng magandang tiyempo. Gusto namin tahimik lang.
“Yung pag-amin namin, may reason yun kung bakit. Ayaw na namin na maraming writeups na ganito.
“Para matahimik lang ang mga tao, para sa peace of mind lang namin.”

BAD INFLUENCE? May mga kumakalat na balitang napapabayaan umano ni Edgar ang career sa tuwing nagkakaroon ito ng girlfriend.  

Naging usap-usapan ding may mga pagkakataong hindi nakakasipot ang aktor sa taping at iba pang work commitments dahil mas inuuna nito ang pakikipag-date kay Shaira.

Ngunit agad itong pinabulaanan ng aspiring actress. “No, that’s not true. Uma-attend siya sa lahat ng tapings niya, sa lahat ng commitments niya. Nasa maayos siyang career. Hindi niya napapabayaan,” pagtatanggol ni Shaira kay Edgar.

Sa katunayan ay hinihikayat pa raw nila ang isa’t isa na mas pagbutihin ang kani-kanilang propesyon.
Giit ni Shaira, “Para sa amin, wala naman kaming ginagawang masama. Hindi naman siya nakakasira sa career namin.

“Inspirasyon namin ang isa’t isa. Nagtutulungan kami sa work kapag may mga problema. So, ayun.”
Sa ngayon ay abala si Edgar sa shooting ng isang pelikulang kasama si Toni Gonzaga, habang si Shaira naman ay tuloy pa rin ang taping para sa nalalapit na bagong serye sa TV5 na Madam Chairman.


 For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE  CHIKA PATROL  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com 

Share this post :

Post a Comment

#NEWSFEEDPH

7 Reasons Why Women Loves Smelling Man.

Sa aming ginawang survey tinanong namin ang netizens online sa isang fan page kung sa tingin nila ano ang masarap amuyin sa isang lalaki. B...

Kakulay Alert

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. CHIKA PATROL - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger