Malaki ang tiwala ni Marian Rivera sa pelikulang Kung Fu Divas kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na maging isa sa mga producer nito.
Bagamat ito ang unang pagkakataon na magiging producer siya ng isang pelikula, tila hindi naman masyadong kinakabahan si Marian dahil, aniya, “Nakaka-proud kasi iisipin mo, ito pa lang yung trailer...
“Kapag pinanonood mo yung buong pelikula sa sinehan, talagang maa-amaze kayo.
“Talagang sasabihin ninyo, ‘Nakaka-proud naman ang Pinoy. Nagagawa na ito ngayon ng Pinoy.’
“Nakaka-proud kaya sasabihin ko talaga na malaki ang tiwala ko sa proyekto na ‘to at talagang isa sa maipagmamalaki kong pelikula na nagawa ko talaga.”
Dahil sa Kung Fu Divas, marami raw natutunan si Marian bilang first-time producer.
“To be honest, yug experience ko bilang producer, iba rin pala.
“Bilang artista, oo, ibibigay mo yung 100 percent mo, makikisama ka, makikitungo ka sa mga bagay-bagay.
“Pero kapag producer ka pala, minsan may mga idadagdag ka na, ‘Direk [Onat Diaz], okay lang po ako, ha. Kaya ko pa, Direk, ha.’
“Kumbaga, mas more on nagiging ano ka na sa trabaho mo, mas ibinibigay mo pa kung ano ang kaya mong ibigay, hanggang huling hininga mo ibibigay mo kasi producer ka.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Marian sa ginanap na blog conference para sa Kung Fu Divas kahapon, September 12.
Nang tanungin ng PEP kung masusundan pa ang pagpo-produce niya ng pelikula, napangiti si Marian at sinabing, “Hindi ko pa masasagot ‘yan. Kapag kumita ito baka hindi ako madala, baka ulitin ko.”
CROSSING OVER. Samantala, natutuwa naman ang binansagang Primetime Queen ng GMA-7 dahil may mga ganitong pagkakataon kung saan nakakatrabaho niya ang mga taga-ABS-CBN.
Sa pelikulang Kung Fu Divas, makakasama niya bilang lead actress din ang tinaguriang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas. Bilang producer naman, bahagi rin ang movie outfit ng ABS-CBN na Star Cinema.
Ani Marian, “Alam naman nating lahat na mas maganda nga ‘yon.
“Natutuwa ako na may ganitong pagkakataon ang ibinibigay sa mga artista sa kabila para makatrabaho ang kabila.
For more CHIKA Patrol updates FOLLOW or LIKE CHIKA PATROL on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Post a Comment